Mayor Magalong, May Direktiba sa mga Barangay Opisyal!

Baguio, Philippines – Inatasan ni Mayor Benjamin Magalong sina Building and Architecture Office (CBAO), Officer-in-Charge , Johnny Degay at si City Legal Officer Richard Dayag, sa isang Management Committee Meeting, na magsagawa sila ng isang kautusan kung saan mayroong napapanahon, sa umiiral na direktiba hanggang ngayon.

Ang kautusan ay tataguyod sa section 22 (D) ng Ordinance No. 18 series of 2016 o ang Environment Code of Baguio, kung saan isinasaad ng nasabing ordinansa na: “Any barangay official who tolerates or fails to report squatting and/or illegal construction activities within safeguarded lands in their jurisdiction shall be liable under this Code.”

Ayon kay Degay ang Administrative Order ay ipinasa pa ng dating Mayor Mauricio Domogan noong 2011 para paalalahan ang mga punong barangay ukol sa mga violators na nasa kanilang nasasakupang barangay lalo na sa mga walang kaukulan permit pero sumusunod sa kautusan ay isang kawalan.


Dagdag pa niya, siya na mismo ang kumausap at pina-alalahanan ang ilang opisyal ng ilang barangay kung saan ang laganap ang ilang illegal na operasyon, ayon din sa kautusan, ang mga punong barangay ay dapat mag-saad ng notice sa pagtigil at paghinto ng mga nasabing mahuhuli at kung itutuloy nilang balewalain ang kautusan, mabibigyan ng ulat ang CBAO ukol sa issue para sila na mismo ang umaksyon kontra sa illegal na operasyon.

Ang CBAO ay naghihikayat ng suporta sa mga barangay para makita ang ilang gusaling walang permit at pilitin ang mga may-ari ng mga ito na maki-ayon sa batas.

Ayon pa rin kay Mayor, bilang isang Opisyal ng Barangay, obligasyon at tungkulin nilang palaganapin ang kampanya sa anti-squatting.

iDOL, kmsta ang mga barangay nyo?

Facebook Comments