Baguio, Philippines – Humingi ng tulong si Mayor Benjamin Magalong kay Department of Public Works and Highways o DPWH Secretary Mark Villar, matapos makita at madismaya sa gawang substandard sa Baguio Convention Center at papaimbistigahan nya kung bakit mahigit P150 milyon ang ginamit na pondo para sa pagpapaayos ng lugar.
Ayon pa sa alkalde, ang istraktura ng ilang parte ng Convention Center ay magandang tignan sa malayo pero pag nilapitan na, parang napabayaan.
Matatandaan din na noong Setyembre ginaganap ang Ms. Baguio Pageant kung saan halos bumigay ang kisame ng main hall, at isa ito sa mga checklist na kasama sa pagpapaayos ng lugar.
Pero diin pa din ng Mayor na hindi aaprubahan ang rehabilitasyon ng Convention Center at ang ilang mga gawain lalong lalo na sa pangkaligtasan ay ipinagkatiwala na nya kay DPWH Regional Director Tiburcio Canlas.
Nagkaroon naman ng kalituhan tungkol sa pagpapaayos ng lugar matapos ipakita ng DPWH ang ilang mga naribisang mga plano na inaprubahan ng dating alkalde, Mauricio Domogan ng walang abiso sa technical working group, ang City Buildings and Architecture Office o kahit ang City Council.
iDOL, nakita mo na ba ang Convention Center ngayon?