*Cauayan City, Isabela*- Kasabay ng pagdiriwang ng ‘Araw ng mga Puso’ bukas, Pebrero 14, 2020 ay nagpalabas ng memorandum para sa color coding of dress ang Bayan ng Appari, Cagayan.
Batay sa Memorandum No. 2020-03, hinihikayat ang lahat ng empleyado na magsuot ng angkop na kulay ng damit bukas na nakabase sa estado ng kanilang buhay-pag ibig.
Ayon kay Mayor Bryan Dale Chan ng Appari, ito ay bahagi na rin ng pakikiisa ng lahat ng empleyado sa pagdiriwang ng araw ni St. Valentine.
Makikita sa memo na ang kulay ng PULA ay para sa mga INLOVE na, kulay ng BLUE ay para sa mga ‘single at ready to mingle’ habang ang kulay ng PUTI ay para sa mga already booked/taken, kulay ng BLACK ay ghost o bitter, kulay ORANGE ay ‘moving on/still searching’; kulay GREEN ay NBSB/NGSB; kulay PINK ay para sa legal na mag-asawa; kulay YELLOW ay para sa mga Broken; kulay GRAY ay para sa mga Wapakels/Not interested at kulay PURPLE ay para sa mga komplikado.
Inaasahan naman na maipapadama pa rin ang araw ng pagmamahal hindi lamang sa tuwing may okasyon kundi maging araw-araw.