Tiwala umano sa katotohanan kaya ‘relax’ at hindi nababahala si Incumbent Binmaley Mayor Pedro Merrera sa isinampang disqualification case laban sa kanya ni Vice Mayor Simplicio Rosario.
Ayon sa alkalde, desperado na umano si Rosario na sirain ang kanyang imahe upang iligaw ang kaisipan ng publiko sa katotohanang nangyayari sa Binmaley.
Dagdag ni Merrera, sanay na umano ito sa ‘misleading’ at ‘disinformation’ na madalas umanong gawin ng mga traditional politicians.
Nag-ugat ang pahayag ng alkalde sa disqualification case na inihain ni Vice Mayor Rosario sa mismong COMELEC Central Office na may kinalaman umano sa vote-buying.
Sa press conference ni Rosario, ipinakita Niya ang Isang video kung saan kita umano ang alkalde at isang dating empleyado ng munisipyo na namimigay ng pera sa isang bahay sa Brgy. Tombor noong April 26.
Naniniwala si Rosario na sapat na ebidensya ang video sa isinampang kaso laban sa alkalde.
Sa kabila nito, parehong apela ng dalawang panig ang katotohanan sa naturang isyu at tuluyang ihalal ng nga Binmalenians ang nararapat na manunungkulan sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments