Mayor ng Burgos sa Isabela, Humingi ng Paumanhin sa naunang pahayag ng iFM Cauayan

1382

*Cauayan City, Isabela*- Humingi ng paumanhin si Municipal Mayor Kervin Francis Uy ng Bayan ng Burgos, Isabela matapos umani ng samu’t saring komento mula sa mga netizen ang di umano’y maling pahayag ng aming istasyon (98.5 iFM Cauayan) na kumakalat sa isa sa kanilang mga residente ang nakasalamuha s ang nagpositibo sa COVID-19 sa Tuguegarao City, Cagayan.


Ayon kay Mayor Uy, sa kabila ng maraming komento ay hiniling niya sa mga netizen ang kooperasyon upang higit na makaiwas ang publiko sa posibleng pagkalat ng nakamamatay na sakit.

Sinabi pa ng alkalde na iisa lang ang hangarin ng bawat isa at ito ay ang magtulungan para manatiling hindi pangamba para sa karamihan ang krisis na kinakaharap ng bansa.

Samantala, patuloy aniya ang araw-araw na pagbabantay sa isang pasahero na nakasabayan ni PH275 sa kanilang bayan para matiyak ang hindi paglabas nito sa kabila ng banta ng COVID-19 sa publiko.

Sa ngayon ay tinitiyak ng Lokal na Pamahalaan ng Burgos ang tulong sa pamilya ng nakasabayan ng nagpositibo sa sakit na covid-19 upang masiguro ang kaligtasan ng lahat at makaiwas sa naturang sakit.

Facebook Comments