Mayor ng Datu Unsay inatake sa Puso, patay!

Sumakabilang buhay na ang alkalde ng bayan ng Datu Unsay sa Maguindanao.

Sa impormasyong ipinarating sa DXMY mula sa mga kaanak ni Mayor Bai Reshal Ampatuan, inatake sa puso ito matapos ang isinagawang Friday Prayer sa loob ng kanyang opisina mag aalauna kahapon.

Nagawa pang maisugod sa Maguindanao Provincial Hospital si Mayor Ampatuan ngunit di na ito nagawang maisalba pa.


Si Mayor Bai Reshal ay ilang taon ring nanungkulan bilang alkalde ng bayan, maybahay rin ito ni Maguindanao Massacre Suspect Datu Unsay Ampatuan.

Pic courtesy: BC

Facebook Comments