Mayor ng La Trinidad, Nanawagan sa mga Turista!

101

La Trinidad, Benguet – Nanawagan si La Trinidad Mayor Romeo Salda sa mga turistang planong magbakasyon sa Benguet ngayong darating na Holiday season na gumamit na lamang ng public transportation para mabawasan ang traffic sa lugar.

Kasalakuyan namang inaayos ang traffic scheme plan para sa pasko ayon kay La Trinidad Municipal Police Station Chief Inspector Jeoffer Banglayan.


Ang kadalasang traffic sa La Trinidad ay ang mga kalsadang malapit sa mga tourist spots gaya ng Bell Church, La Trinidad Trading Post, Benguet Agri-Pinoy Trading Center at Strawberry Farm.

Nanawagan din si Chief Inspector Banglayan sa mga motorista na maging disiplinado at matutong sumunod sa batas trapiko.

Facebook Comments

From Advertisers