Binalaan ni Las Pinas City Mayor Mel Aguilar ang mga opisyal ng bawat barangay sa lungsod hinggil sa pamamahagi ng mga food packs sa bawat residente.
Ayon kay Aguilar, kaniyang tututukan ang proseso ng pagbibigay ng food packs dahil hangad niya na mabigyan ang lahat ng pantay-pantay.
Dag-dag pa ng Alkalde, mananagot sa kaniya ang sinumang opisyal o tauhan ng barangay na magtatago o pipili ng mga bibigyan ng food packs.
Nakikiusap din si Aguilar sa mga kawani ng barangay sa lungsod na unahin muna ang kanilang mga constituents at hindi ang sarili o mga kamag-anak.
Samantala, patuloy na nag-iikot ang mga tauhan ng Business Permit and Licensing Office ng lokal na pamahalaan ng Las Pinas sa mga business establishments tulad ng groceries at drugstores para masigurong sinusunod ng mga ito ang suggested retail price policy ng Department of Trade and Industry sa gitna ng pinapairal na enhanced community quarantine.