Mayor ng Libungan, North Cotabato at driver nito, patay sa pamamaril

79
Photo Courtesy: Cotabato Provincial Board Member Rolly Sacdalan

Nasawi ang Mayor ng Libungan, North Cotobato at ang driver nito matapos pagbabarilin.

Sa ulat mula kay North Cotabato Provincial Director Police Col. Henry Villar, napatay si Mayor Amping Cuan sa Barangay Cabaruyan, Libungan kaninang alas-10:30 ng umaga nang harangin ng mga armadong suspek ang kaniyang sasakyan at pinagbabaril.


Agad na tumakas ang mga suspek.

Nagpapatuloy ang follow up operation ng mga otoridad.

Facebook Comments