Dinakip ng mga operatiba ng Criminal Investigation & Detection Group (CIDG) ang alkalde ng Mabini, Batangas at 2 nitong kapatid dahil sa mga nakumpiskang hindi lisensyadong mga baril at pampasabog.
Kinilala ni CIDG Director PMGen. Romeo Caramat Jr., ang mga naaresto na sina Mayor Nilo Villanueva, ex-police officer Oliver Villanueva, Brgy. Chairman Bayani Villanueva habang nananatili namang at large si Ariel Villanueva.
Unang ni-raid ang tahanan ni Oliver Villanueva sa bisa narin ng inilabas na search warrant ng korte kung saan nakumpiska ang
– One (1) unit of Cal. 223 5.56mm rifle CAA Tactical Weapon;
– One (1) unit of Cal. 45 pistol STI 2011 CM 5800;
– Two (2) pcs of steel magazine for Cal. 5.56mm rifle;
– Three (3) pcs of steel magazine for Cal. 45 pistol;
– One (1) pc hand grenade at mga live ammunitions
Samantala, nakuha naman sa bahay ni Mayor Nilo ang isang explosive device habang sa bahay naman ng brgy chairman na si Bayani Villanueva nakuha ang:
– One (1) unit Bushmaster cal. 5.56mm rifle;
– One (1) pc magazine for cal. 5.56mm rifle;
– One (1) unit MK2 Hand fragmentation grenade at mga live ammunitions.
Ang mga naaresto ay ipaghaharap ng paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at RA 9516 o Illegal Possession of Explosives.