Mayor ng Piat sa Cagayan, Nagpositibo sa COVID-19

*Cauayan City, Isabela*- Kinumpirma ng 57 anyos na si Mayor Carmelo Villacete ng Bayan ng Piat, Cagayan na nagpositibo ito sa corona virus o COVID-19.

Ayon kay Mayor Villacete, dumalo siya sa pagpupulong ng Mayor’s League sa Metro Manila hanggang sa nakabalik ito ng Probinsya ng Cagayan nitong March 13, 2020 bago ang pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon.

Bago ito, nakaramdam ang alkalde ng matinding pag-uubo nitong March 19 kaya’t agad itong nagpakonsulta sa doktor hanggang isailalim ito sa pagsusuri ng COVID-19 test at magpositibo sa nakamamatay na sakit.


Kinumpirma naman ng Department of Health Region 2 na umakyat na sa 21 ang positibo sa COVID-19 habang anim (6) ang nagnegatibo sa naturang sakit.

Facebook Comments