Mayor ng Sagada, Mt. Province, Positibo sa COVID-19

Cauayan City, Isabela- Inanunsyo ni Sagada Mayor James Pooten Jr. na nagpositibo ito sa COVID-19 matapos lumabas ang resulta ng RT-PCR test ngayong araw, March 26, 2021.

Sa kanyang opisyal na pahayag, sinabi niya na asymptomatic o walang anumang sintomas na nararamdaman kung kaya’t pinayuhan ito ng doktor na sumailalim sa isolation.

Nanawagan din ito sa publiko particular sa mga posibleng nakasalamuha niya na mangayrng ipagbigay-alam sa Barangay Health Emergency Response Team (BHERTs) o Municipal Health Office para sa isasagawang hakbang.


Sa kabila nito, siniguro pa rin ng opisyal na gagawin niyang magampanan ang kanyang trabaho bilang alkalde.

Samantala, sarado pa rin sa publiko ang buong tourism site sa naturang bayan.

Facebook Comments