Kalinga, CAR – Pagod na si Mayor Sacrement Gumilab sa problema sa mga taniman ng marijuana sa kanyang lugar kahit ilang taon nang naghahanap sila ng solusyon para mapigilan ito kaya kailangan na ng marahas na paraan para matigil ang pagtatanim ng binagbabawal na halaman.
Anya, kahit noong panahon pa ni Fidel Ramos, kung saan ay isa pa siyang Philippine Constabulary Chief, kasama sa operasyon ng pagpuksa sa naturang halaman ang pagbubunot at pagsusunog nito. pero sa mga nagdaang panahon, hindi ito sapat dahil pare – parehas na plantasyon ang kanilang nahuhuli sa kanilang operasyon.
ilang tulong na din ang inilaan sa kanilang kababayan para matulungan silang hindi tumangkilik sa pagtatanim ng marijuana,ilan sa mga ito ay ang Communal Irrigation System, Portable Water Systems, Access Roads, at eskwelahan.
Ngunit aminado ang Mayor na mahirap silang hilain ang ilang nilang kababayan na tangkilikin ang ilan sa kanilang mga Alternative Livelihood Activities dahil mas madali daw ang pera sa marijuana
Ibinahagi nya pa na isang daan na sa kanyang mga kababayan ang nakakulong dahil nahuling sangkot sa illegal na pagbenta ng mga naturang cannabis.
Isa sa mga paraan nya para mapuksa ang mga nasabing marijuana ay ang paglalagay ng kemikal sa mga ito na kung magtagumpay sya sa kanyang suhestyon, may Law Enforcement Unit ang magbabantay sa mga nalinis na nilang lugar para hindi na pakakapag-tanim ang ilan sa mga lokal at sisiguraduhin nyang hinding-hindi na sila makakapagtanim ng nasabing pinagbabawal na halaman.
Ayon naman kay Interior and Local Government Provincial Director Mayer Max, at sa pamamagitan naman ng ayuda ng ilang concerned Goverment Agencies,ang mga dating natamnan ng mga naturang marijuana ay para naman sa ilang Development Project para matulungan naman magkaroon ng Alternative Livelihood Activities sa pamamagitan ng agricultural product technologies na angkop sa lugar ng Tinglayan at gagawin muli itong Vegetable Garden ng Kalinga kung san nakilala ito tatlong dekada na ang nakakaraan.
iDOL, ano nga ba ang solusyon sa lumalalang problema ng marijuana sa Kalinga?