Mayor Oscar “Oca” Malapitan, naghain ng kandidatura bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Caloocan

Naghain ng kaniyang Certificate of Candidacy (COC) si Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Lungsod ng Caloocan, para sa Halalan 2022.

Kasama rin ni Mayor Oca na naghain ng kaniyang COCs sina Councilors Obet Samson at Dean Asistio na tatakbo naman bilang kinatawan ng Ikalawa at Ikatlong Distrito.

Bago mag-file ng kaniyang kandidatura ay sinamahan ni Mayor Oca na magsumite ng kanilang COC ang buong Team Aksyon at Malasakit Team sa pangunguna ni mayoralty candidate Along Malapitan at vice mayoralty candidate Karina Teh.


Facebook Comments