Manila, Philippines – Walo sa labing limang namatay sa pagsalakay ng mga tauhan ng PNP CIDG Region 10 at Misamis Occidental Police Provincial ang isinailalim sa autopsy.
Ayon kay PNP Spokesperson Police chief supt Dionardo Carlos at batay sa partial report mula sa pnp crime laboratory region 10 kabilang sa walong ito si Mayor Reynaldo parojinog Sr, na namatay dahil sa tama ng bala ng baril sa dibdib at mukha
Si Susan Parojinog ang asawa ni Mayor Parojinog ay namatay dahil sa nangyaring pagsabog.
Pagsabog din ang ikinamatay ng dalawang kapatid ni Mayor Parojinog na sina Monna Parojinog at board member Octavio Parojinog.
Tumangggi naman ang pamilya ng pito pang nasawi sa pagsalakay na maisailalim sa autopsy.
Kaugnay nito walo rin ang nagpostibo sa parrafin test kabilang na si Mayor Parojinog at kanyang mga bodyguard.
Sinabi ni Carlos na senyales ito na nagpa-putok ng baril sila Mayor Parojinog at mga body guard nito bago namatay.
Hindi naman isinailaim sa paraffin test sina Mona at Susan Parojinog dahil walang walang nakuhang baril ang mga tauhan ng PNP SOCO sa bangkay ng dalawa.