
Tinanggalan na ng police powers ng National Police Commission (NAPOLCOM) si Mayor Abundio Punsalan Jr. ng munisipalidad ng San Simon, Pampanga.
Ito ang ipinag-utos ni NAPOLCOM Vice Chairperson and Executive Officer, Commissioner Rafael Calinisan kasunod ng pagkakaaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) sa naturang alkalde dahil sa pangingikil umano sa isang kompanya para mapahintulutan na makapag-operate sa kanilang lugar.
Kaugnay nito, inatasan din ng NAPOLCOM ang Inspection, Monitoring and Investigation Service nito na magsagawa ng motu propio investigation para sa full revocation sa kapangyarihang ibinigay ng NAPOLCOM sa mga local chief executives na mamahala sa mga pulis na kanilang nasasakupan.
Kabilang na rito ang kapangyarihan ng isang lokal na ehekutibo na maglabas ng mga direktiba sa police operations, pagtatalaga ng police personnel, pagbuo ng mga safety plans, at pagpili ng chief of police batay sa legal qualifications.









