MANILA – Patuloy pa ring nangunguna si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa partial unofficial count ng Commission on Election at Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).Batay kaninang alas 5:45 ng madaling araw… mayroon nang15,822,062na boto si Duterte, sinundan ito ni dating DILG Sec. Mar Roxas na mayroong9,645,968.Nakakuha naman si Sen. Grace Poe ng8,903,735na sinundan ni Vice Pres. Jejomar Binay na mayroong5,295,247habang nasa pang huli pa rin si Sen. Mirriam Defensor Santiago na may botong1,415,801.Sa pagkabise presidente naman… nangunguna pa rin si Cong. Leni Robredo na mayroong13,937,704na dikit naman kay Senador Bongbong Marcos na may13,714,034votes.Nakuha naman ni Sen. Allan Cayetano ang botong5,636,445Sen. Chiz Escudero na mayroong4,790,398na boto.Si Sen Antonio Trillanes na may botong838,100at Sen. Gringo Honasan na mayroong754,995votes.Ang naturang bilang ay katumbas ng 95.35 percent ng election returns sa buong bansa.
Mayor Rodrigo Duterte At Congresswoman Leni Robredo, Patuloy Na Nangunguna Sa Partial/Unofficial Result Ng Transparency
Facebook Comments