Mayor Rodrigo Duterte – Nanguna Sa Presidential Survey Ng Pulse Asia

9

MANILA – Muling nanguna si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa panibagong survey ng pulse asia na kinomisyon ng ABS-CBN.Nakuha ni Duterte ang 30 percent, pumangalawa si Sen. Grace Poe na nakakuha ng 25 percent.Statistically tied naman sina Vice President Jejomar Binay ng United Nationalist Alliance at Liberal Party Standard Bearer Mar Roxas sa third place sa 20 percent at 19 percent.Habang nanatili sa last spot si Sen. Miriam Defensor-Santiago na may 2 percent.Samantala … solong nakuha naman ni Senator Bongbong Marcos ang top spot sa latest para sa Vice Presidential Candidates.Umaangat din si Camarines Sur Rep. Leni Robredo na nakakuha ng 22 points pero statistically tied sila ni Senator Chiz Escudero, na may 21 percent para sa pangalawang pwesto.Nanatili naman si Sen. Alan Peter Cayetano sa fourth place na may 15 percent na sinundan ni Senators Gringo Honasan at Antonio Trillanes IV.

Facebook Comments