Mayor Rodrigo Roa Duterte-National Executive Coordinating Committee, nakiisa sa pagbibigay ng tulong sa mga bakwit sa Marawi

Manila, Philippines – Nakikiisa ang Mayor Rodrigo Roa Duterte-National Executive Coordinating Committee (MRRD NECC) sa pagbibigay ng tulong para sa mga residenteng naiipit sa Marawi City.

Sa pamamagitan ng religious group, OFWs, private at business sectors, nakakalikom ng donasyon ang MRRD NECC, para sa mga biktima

Ayon kay DILG Under Secretary John Castriciones na siya ring Executive Secretary ng grupo, marami ng nag paabot ng tulong at ito ay dadalin sa evacuation area sa Iligan City, Cagayan De Oro City, Maguindanao, Cotabato at Negros Oriental.


Gayunman ,umaapela pa rin ng tulong sila Castriciones para sa mga nais pang tumulong mapa-relief goods man o pera sa paniniwalang matatagalan pang makabangom ang Marawi City.

Umaapela rin ang opisyal na dapat iwasan muna ang politika at magkaisa ngayon anuman ang kulay at relihiyon lalo’t nahaharap ang bansa sa matinding pagsubok.
DZXL558

Facebook Comments