Bukas si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na patawarin ang kanyang mga mahihigpit na kritiko o kaaway sa pulitika, pero hindi sa mga terorista.
Ito ay mapa-militant Muslim man o communist rebels.
Dito binanggit ni Mayor Duterte kung paano komprontahin ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mga kaaway.
Aniya, marami nang narating sa buhay ang kanyang tatay Digong kaya dumating na sa punto na mahinahon niyang hinaharap ang mga kaaway, mapa-pulitika man o personal.
Dagdag pa ng alkalde – laging mapagpatawad ang kanyang ama at palaging piliin ang katahimikan, maliban na lamang sa mga NPA at mga terorista.
Facebook Comments