Mayor Sara Duterte, iginiit na legal ang kanilang mga ari-arian

Nanindigan si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na ligal ang lahat ng kanilang ari-arian.

Ito ang tugon ng alkalde sa ulat ng Philippine Center for Investigative Journalism o PCIJ.

Giit ni Duterte-Carpio, may mga negosyo sila na malinaw na nakasaad sa kanilang Statement of Assets Liabilities and Networth o SALN.


Tiniyak din ng alkalde sa publiko na ang law firm nila ng kanyang asawa ay rehistrado sa Securities and Exchange Commission (SEC).

Facebook Comments