Mayor Sara Duterte mananalo sa presidential elections kung ngayon ang halalan – Panelo

Manila, Philippines – Naniniwala si Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo na kung ngayon gagawin ang halalan sa pagkapresidente ay walang makatatalo kay Davao City Mayor Sara Duterte.

Sa isang interview kay Panelo sa Malacañang kahapon ay ipinaliwanag nito na bukod sa polularidad ngayon ni Mayor Sara ay talagang hindi matatawaran ang kakayahan ng anak ng Pangulo.

Sinabi ni Panelo na kahit si Vice President Leni Robredo ay hindi kakayanin na talunin ang anak ng Pangulo sakaling magharap ang dalawa.


Matatandaan na sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na kung siya ang tatanungin ay hindi niya gustong tumakbo sa pagkapangulo ang sinuman sa kanyang mga anak dahil sa hirap ng trabaho na haharapin ng mga ito sakaling manalo.

Facebook Comments