Mayor Sara Duterte, mas kapartido pa ng PDP-Laban kaysa kay Senator Pacquiao

Iginiit ni Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) Vice Chairman at Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi na mas kapartido pa nila si Davao City Mayor Sara Duterte kaysa kay Senator Manny Pacquiao.

Komento ito ni Cusi kasunod ng posibilidad na suportahan ng partido sa pagka-presidente sa susunod na eleksyon si Mayor Sara.

Ayon kay Cusi, kung pagbabasehan ang paggamit ng Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) ng PDP ay mas may karapatan pa si Mayor Sara kaysa kay Pacquiao na hindi ginamit ang CONA.


Habang una na rin aniyang opisyal na tumakbo si Mayor Sara sa pagka-alkalde sa ilalim ng PDP na dumaan sa batas.

Sa ngayon, naniniwala ang Hugpong ng Pagbabago (HNP) na siyang partido ni Mayor Sara na ang panibagong pahayag ni Pangulong Duterte na ayaw niyang patakbuhin ito sa pagkapangulo ay isa lamang fatherly advice para sa kaniyang anak.

Paliwanag kasi ni HNP Secretary General Anthony del Rosario, totoo naman na mahirap ang trabaho ng isang pangulo at kasama na rito ang maraming intriga.

Pero naniniwala ang HNP na desisyon na ni Mayor Sara kung tatakbo ito bilang pangulo ng bansa.

Facebook Comments