Mayor Sara, magpe-presidente ayon kay Pangulong Duterte

Tatakbo sa pagkapangulo si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at si Senator Christopher ‘Bong’ Go ang kanyang magiging running mate sa halalan sa 2022.

Kinumpirma ito ni Pangulong Rodrigo Duterte nang matanong siya kung matutuloy ang Sara-Go tandem kasunod na rin ng paghahain ni Go ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) para sa vice presidency.

Gayunman, hindi alam ng pangulo kung kailangan maghahain ng COC si Mayor Sara.


Una nang naghain ang alkalde ng COC para sa reelection nito sa Davao city.

Kahapon naman nang i-anunsyo ni Pangulong Duterte ang pagreretiro siya sa pulitika.

Facebook Comments