Mayor Sara, nanguna sa pagkabise presidente sa RMN-APCORE May 2022 Elections Survey

875

Mayorya ng mga Pilipino ang nais na si Mayor Sara Duterte-Carpio ang manalo sa pagkabise presidente ng bansa sa 2022 Election.

Ito ang lumabas sa isinagawang face-to-face survey ng RMN-APCORE para sa May 2022 election.

Sa survey na isinagawa noong Nobyembre 23 hanggang 29, 2021, tinanong ang 2,400 adult respondent edad 18 pataas na kung gagawin ang eleksyon ngayon, sino ang kanilang iboboto?


Nangibabaw rito si Duterte-Carpio na may 48% na boto.

Sinundan ito Sen. Vicente “Tito” Sotto III na may 25% na boto, Sen. Francisco “Kiko” Pangilinan na may 11% na boto; Dr. Willie Ong na may 9%; Rep. Lito Atienza na may 2%; Walden Bello na may 0.08% na boto.

Nasa 5% naman ang undecided o wala pang napipiling bise presidente ng bansa.



Facebook Comments