Mayor Tan, May Apela sa mga Santiagueño!

Umapela si Santiago City Mayor Joseph Tan sa kanyang kapwa SantiagueƱo na samahan siyang muli sa kanyang ikatlong termino para sa mas maunlad na L ungsod.

“Mas maayos, mas masaya, mas maunlad na Santiago, ang tinig ng bayan ay tinig ng diyos, bilang drayber ninyo ay samahan ninyo ako sa ikatlo kong termino” pahayag ni Mayor Tan.

Ipinagmalaki nito ang kanyang mga nagawa sa kanyang administrasyon na isa umanong pinakamaunlad na Lungsod sa bansa.


Bago tuluyang nanumpa si Mayor Tan sa kanyang ikatlong termino ay inisa-isang pinanumpa ang mga City Councilor na sina KC Bautista, Eunice Sable, Paul de Jesus, Resie Turingan, Gino Siquian, Jamayne Tan, Pandong Lugod, Vinchy Aggabao, Benzi Tan, Jun Cabucana at Vice Mayor Alvin Abaya.

Pinanumpa naman ni Associate Justice Samuel Gaerlan si Mayor Tan sa harap ng kanyang pamilya’t kamag-anak, habang nakamasid at sinaksihan ng mga barangay opisyal, empleyado ng cityhall, non-group organization, religous sector, mga kabataan, senior citizen, mga alagad ng batas at kababayang mga SantiagueƱo.

Sa eksklusibong panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Vice Mayor Alvin Abaya, todo suportado nito ang administrasyon ni Tan dahil sa magandang ugnayan ng executive at legislative body maging ang mga City Councilor’s na inaasahang maraming kapaki-pakinabang para sa bawat SantiagueƱo.

Tiniyak naman ni City Councilor Ressie Turingan na mas maayos ang pamamahala ng administrasyong Tan lalo’t nasa huling termino nito, kung kayat posibleng maipasa lahat ang mga nakabinbin pang mga panukala at proyekto gaya na lamang ng kanyang kumitiba sa kalusugan at imprastraktura.

Kaugnay nito, lubos na nagpapasalamat ang mga bagong halal na opisyal ng Santiago City matapos ang kanilang pormal na panunumpa sa kanilang tungkulin.

Facebook Comments