Cauayan City, Isabela- Masayang ibinalita ni Mayor Joseph Tan ng Santiago City, Isabela na nasa 25 barangay sa lungsod ang idineklarang ‘drug-cleared’ ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 2.
Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan kay Mayor Tan, pinakahuling idineklarang drug cleared ang barangay Victory Norte, Victory Sur at Naggasican.
Mula sa kabuuang 37 barangay ng lungsod, mayroon na lamang 12 barangay ang natitira pang may presensya ng ipinagbabawal na gamot kung kaya’t pinagsusumikapan umano ng lokal na pamahalaan ang ibayong pagpapaalala sa mga barangay na makiisa upang tuluyang masugpo ang iligal na droga.
Samantala,hiling ni Tan sa mga barangay officials na sana ay hindi na umabot pa hanggang Disyembre ngayong taon ang tuluyang pagdedeklara sa lungsod bilang ‘drug-cleared city’.