Mayor Toby Tiangco, nanindigang hindi dapat payagan sa mall ang mga bata

Nanindigan si Navotas City Mayor Toby Tiangco na tama ang pasya ng
Metro Manila mayors na huwag payagan ang mga menor de edad na pumasok sa mga mall.

Tinukoy ni Tiangco ang pahayag ng Philippine Pediatric Society (PPS) at Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines (PID SP) na delikado para sa mga bata na pumunta sa mall na sarado at air-conditioned.

Dahil dito ay mas mataas ang tsansa ng hawaan ng COVID-19 sa loob ng mga mall.


Binanggit din ni Tiangco ang ilang pag-aaral na nagpapakitang mas mataas ang viral load ng batang may COVID-19 kumpara sa mga nakatatanda.

Ayon kay Tiangco, nangangahulugan ito na mas marami ang virus na nakadikit sa ilong o lalamunan ng mga bata kaya mas nakahahawa rin sila sa iba.

Diin ni Tiangco, ito ang pangunahing rason na kailangan manatili ang mga bata sa bahay kung saan sila ligtas sa sakit bukod sa maiiwasan din na mas marami pa ang mahahawaan sakaling magkasakit ang mga batang ito.

Facebook Comments