Mayor Vico Sotto, aminadong nababahala sa seguridad ng mga empleyado ng pamilya Discaya matapos ang rally sa Saint Gerrard Construction Building kanina

Nakiusap sa publiko si Pasig City Mayor Vico Sotto na huwag idaan sa dahas ang kanilang galit sa pamilya Discaya.

Ito ay matapos na sumugod sa Saint Gerrard Construction Building kanina ang mga raliyista at pinagbabato at pininturahan ang property ng mga Discaya.

Ayon kay Mayor Sotto, nababahala siya sa seguridad ng mga empleyado ng pamilya Discaya at mismong sa mga ralyista .

Kaugnay nito, tiniyak din ng alkalde sa publiko na tuloy ang kanilang paghabol at pagsasampa ng kaso hindi lamang sa mga kumpanya ng mga Discaya.

Nakikipag-ugnayan na rin aniya sila sa 5 ahensya ng pamahalaan na nagsasagawa ng imbestigasyon sa mga katiwalian sa mga proyekto ng gobyerno tulad ng flood control at sa mga hindi nagbabayad ng tamang buwis.

Facebook Comments