Mayor Vico Sotto, naka-self-quarantine matapos magkaroon ng close contact sa COVID-19 positive

Inihayag ni Pasig City Mayor Vico Sotto na kasalukuyan siyang nagse-self-quarantine matapos siya ma-expose sa isang COVID-19 positive.

Sa Facebook live na ginawa si Sotto ngayong umaga, sinabi nito na hindi muna siya papasok sa kanyang opisina, pero tiniyak nito na tuloy-tuloy pa rin siyang magtatrabaho gamit ang telepono, Messenger, text, Viber, at Zoom.

Aniya, sumailalim na rin siya sa swab test at inaasahan niyang lalabas ang resulta nito bago matapos ang araw na ito.


Hindi naman nagbigay ng karagdagang detalye si Sotto, pero sinabi nito na wala naman siyang sintomas kaugnay sa nasabing sakit.

Dahil isa siya sa mga close contact, tatagal ng 14 days ang kanyang self-quarantine bilang pagsunod na rin ng heath protocols laban sa COVID-19 na ipinatutupad ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) at Department of Health (DOH).

Facebook Comments