Mayor Vico Sotto, tiwalang mababasura lang ang election protest laban sa kanya

Itinuturing lamang ni Pasig City Mayor Vico Sotto na ‘nuisance case’ o panggulo ang electoral protest na inihain ni dating Mayor Bobby Eusebio.

Ipinoprotesta kasi ni Eusebio ang mga aberyang nangyari sa Vote Counting Machines (VCM) at depektibong SD cards noong midterm elections na nagresulta umano ng mga vote statements.

Ayon kay Mayor Sotto – positibo siyang mababasura lamang ang kaso.


Sinabi naman ng legal counsel ni Sotto na si Atty. Romulo Macalintal – kahit ang lahat ng botong mula sa depektibong VCM ay ibinawas sa kabuoang botong natanggap ni Sotto, deklarado pa ring panalo si Sotto.

Halos 90,000 boto ang lamang ni Sotto kay Eusebio.

Iginiit naman ni Atty. Paolo Mabazza, abogado ni Eusebio – natalo sila dahil nagkaroon ng vote-buying noong halalan.

Binibigyan ng Comelec ng 10 araw ang magkabilang kampo na maghain ng kanilang memorandum na susuporta sa kanilang mga argumento.

Pagkatapos ay dito pagdedesisyunan ng poll body kung ibabasura o itutuloy ang electoral protest.

Facebook Comments