Mayor Zamora, iniharap sa media ang kontrobersyal na lalaking nambasa ng rider sa Wattah Wattah Festival sa San Juan

Humingi ng paumanhin sa publiko ang lalaking binansagang “Boy Dila” sa Wattah Wattah Festival sa San Juan.

Ayon kay Lexter Castro, dahil sa kanya ay nasira ang pangalan ng San Juan at nais din niyang makaharap ang rider na naagrabyado niya para personal na humingi ng paumahin.

Inamin din ni Lexter na matinding stress ang inabot sa netizens na nagalit sa kanya nang tutukan niya ng water gun ang isang rider habang nakalabas ang kanyang dila.


Ayon naman kay San Juan Mayor Francis Zamora, walang nilabag na ordinansa si Lexter sa ginawa nitong tradisyon na basaan.

Aniya, ang mahalaga ay natutong magpakumbaba si Castro.

Nais din ng alkalde na magkaharap si Lexter at ang naagrabyadong rider.

Tiniyak din ni Zamora na bibigyan niya ng proteksyon si Lexter dahil alam niyang marami ang nagalit dito at nagbabanta sa buhay.

Idinagdag ng alkalde na naantig ang kanyang puso nang marinig niya ang mga pinagdadanan sa buhay ng binata.

Si Lexter ay bente uno anyos at isang out of school youth.

Facebook Comments