Mayora ng mga Pilipino, naniniwalang hindi kailangang madaliin ang Cha-Cha – survey

Nasa dalawa lamang mula sa 10 Pilipino ang sang-ayon na kailangang madaliin ang diskusyon hinggil sa Charter Change (Cha-Cha).

Sa survey na isinagawa ng Radio Veritas mula January 4 hanggang 18, 2021, nasa 23% ng respondents ang nagsabing kailangang madaliin ang Cha-Cha.

Nasa 75% naman ang tutol na madaliin ang Cha-Cha.


Ang natitirang dalawang porsyento ay undecided sa isyu.

Lumalabas lamang sa survey na mayroong matibay na pagtutol sa isyu at mas iginiit na may mga mas mahahalagang isyu ang kanilang tutukan ng gobyerno sa panahong ito.

Ayon kay VTS Head Brother Clifford Sorita, ang pagbabago sa Saligang Batas ay seryosong usapin para sa buong bansa dahil dito malalaman ang hinaharap ng pulitika sa bansa.

Mahalagang mayroong malawak na konsultasyon para dito.

Ang survey ay isinagawa sa 600 respondents sa buong bansa sa pamamagitan ng text-based at online data gathering process.

Facebook Comments