Friday, March 27, 2026

MAYOR’S CUP INTER-DISTRICT TOURNAMENT SA SAN CARLOS CITY, IPINAGPALIBAN; MGA PROGRAMA SA KAPISTAHAN, ISASAAYOS

Bilang pagsunod sa kautusan ng pambansang pamahalaan, nagpatupad ng agarang pagbabago ang Pamahalaang Lungsod ng San Carlos City, kabilang ang pagpapaliban ng Mayor’s Cup Inter-District Basketball at Volleyball Tournament.

Kaugnay nito, magkakaroon din ng mga pagsasaayos sa ilang programa na nakatakdang isagawa bilang bahagi ng selebrasyon ng kapistahan ng lungsod. Layunin ng mga pagbabagong ito na matiyak ang maayos na pagpapatupad ng mga aktibidad alinsunod sa umiiral na mga patakaran.

Inanunsyo rin ang pagpapatupad ng pagtitipid sa lahat ng tanggapan sa City Hall bilang bahagi ng mas malawak na hakbang upang matugunan ang kasalukuyang sitwasyon at mapanatili ang maayos na paggamit ng pondo ng pamahalaan.

Humihingi naman ng pang-unawa ang lokal na pamahalaan sa publiko at hinihikayat ang kooperasyon ng lahat upang maging maayos ang pagpapatupad ng mga pagbabagong ito. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments