Mayors for Good Governance, humingi sa Kamara ng record ng budget ng bansa para sa taong 2023-2025

Sumulat ang Mayors for Good Governance (M4GG) kay House Speaker Faustino “Bojie” Dy III.

Ang liham ay pirmado nina Baguio City Mayor Benjamin Magalong, Pasig Mayor Vico Sotto, Quezon City Mayor Joy Belmonte at Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman ng Isabela City, Basilan.

Sa kanilang liham, hinihiling ng mga ito sa liderato ng Kamara na bigyan sila ng access sa record ng National Expenditure Program (NEP) at General Appropriations Act (GAA) para sa fiscal years 2023-2025.

Kabilang dito ang espesipikong line items, proponents at endorsing offices.

Layon ng hakbang ng M4GG na matiyak ang transparency sa paggamit ng pondo ng gobyerno at para mapalakas ang pananagutan sa resources ng pamahalaan.

Facebook Comments