Karamihan sa mga Pilipinong estudyanteng naka-enroll sa distance learning ay mayroong smartphone para magamit nila sa kanilang klase.
Sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 58% ng school-age students (may edad 5 hanggang 20) ay mayroong gadgets para sa distance learning.
Ang mga naturang devices ay matagal na nilang pagmamay-ari (27%), kakabili lamang (12%), hiniram (10%), binigay (9%) o nirenta (0.3%).
Nasa 42% naman ang nagsabing hindi sila gumagamit ng gadgets sa distance learning.
Mas maraming gumagamit ng devices para sa distance learning sa Metro Manila (96%), kasunod ang Balance Luzon (64%), Visayas (43%), at Mindanao (41%).
Lumabas din sa survey na karamihan sa mga pamilya ay gumagastos ng average na ₱8,687 para sa gadget ng kanilang estudyante.
Ang survey ay isinagawa mula November 21 hanggang 25, 2020 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,500 respondents.