Mayorya ng mga alkalde sa Metro Manila na muling tatakbo sa eleksyon 2022, nanguna sa survey ng pagka-alkalde ng RP-Mission and Development Foundation Inc.

Mayorya ng mga alkalde sa Metro Manila na tatakbo sa eleksyon 2022 ang nakakuha ng maraming boto mula sa publiko.

Batay sa survey sa isinagawa ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) simula October 17 hanggang 26, nakakuha ng 65% ng puntos si incumbent Pasig City Mayor Vico Sotto na mas mataas sa 33% na nakuha ng challenger nito na si Vice Mayor Iyo Bernardo.

Sa Quezon City, naungusan ni Mayor Joy Belmonte na nakakuha ng 60% na boto si Anakalusugan Rep. Mike Defensor na mayroong 35%.


Habang sa Maynila, nanguna si Vice Mayor Honey Lacuna sa most preferred candidate na may 68% at di hamak na mas mataas sa katunggaling nitong dating police officer na si Elmer Jamias na may 6%,

Ang iba pang incumbent mayors na nanguna sa survey ay sina; Las Piñas Mayor Imelda Aguilar (88%), Makati Mayor Abby Binay (85%), Pateros Mayor Ike Ponce III (80%), Pasay Mayor Emi Calixto-Rubiano (77%) at San Juan City Mayor Francis Zamora (70%).

Naging patas naman ang resulta ng pagboto kina reelectionist Mayor Marcy Teodoro ng Marikina sa kalaban nito sa posisyon na si Rep. Bayani Fernando.

Sa mga bago namang politiko na nagbabalak tumakbo sa pagka-alkalde, nanguna dito sina; Caloocan Rep. Dale Malapitan (70%); Valenzuela Rep. Weslie Gatchalian (83%); dating Commission on Elections chairman Benjamin Abalos Sr. (82%); Parañaque Rep. Eric Olivarez (61%).

Ang survey ay nalahukan ng 10,000 respondents mula sa Metro Manila.

Facebook Comments