Karamihan sa mga estudyanteng pumapasok sa higher education institutions (HEIs) na pinayagang magsagawa ng face-to-face classes ay nabakunahan na laban sa COVID-19.
Nabatid na nasa 73 colleges at universities ang pinahintulutan ng CHED na magsagawa ng in-person classes para sa medicine at health allied sciences.
Ayon kay Commission on Higher Education (CHED) Chairperson J. Prospero De Vera III, marami sa mga college students ang naturukan ng COVID-19 vaccines sa tulong ng Department of Health (DOH) at clinical instructors.
Bukod sa mga estudyante, ang mga propesor at guro ay bakunado na rin.
Sa ngayon, isinusulong ng CHED na maisama ang mga estudyenteng pumapasok sa limited face-to-face classes sa COVID-19 vaccination priority list ng pamahalaan.