Idinepensa ng Pulse Asia ang survey na karamihan sa mga Filipino ang naniniwalang hindi kasalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kakulangan sa kaniyang administrasyon.
Ayon kay Pulse Asia President Ronald Holmes, hindi nakikita ng publiko na direktang kasalanan ng Pangulo ang mga nagagawang pagkukulang ng kaniyang administrasyon partikular ang kaniyang mga gabinete.
Aniya, marami sa mga Filipino ay may sarili nang desisyon kung sinong pinuno o lider ang kanilang sinusuportahan kahit pa nagkakaroon ng pagkakamali ang ilang itinalagang opisyal nito.
Paliwanag pa ni Holmes, ang method o ang paraan na ginawa nila sa kasalukuyang survey ay kaparehas lang din ng ginawa nila sa loob ng nakalipas na dalawang dekada.
Matatandaan na 91% ng mga Filipino ang pumabor sa naging tugon ng Pangulong Rodrigo Duterte sa gitna ng pandemya habang nakakuha naman ng 84% ang buong administrasyon.