Mayorya ng mga Filipino, naniniwalang mas lalala pa ang COVID-19 crisis sa bansa – SWS

Naniniwala ang 57% na mga adult Filipino na “the worst is yet to come” o mas lalala pa ang krisis sa COVID-19 sa Pilipinas.

Batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS), mas mataas ito ng 10% kumpara sa naitalang 4% noong May 2020.

Bumaba naman sa 35% ang nagsabing “the worst is behind us” o lumipas na ang pinakamalala habang 8% ang hindi nagbigay ng sagot.


Nasa 70% ng mga taga-Metro Manila ang pinakamaraming sumagot na “the worst is yet to come”, sinundan ng Visayas na may 61%, Balance Luzon na may 56% at Mindanao na may 49%.

Karamihan naman ng mga nagsabing “the worst is behind us” ay sa Mindanao na may 41%, sinundan ang Balance Luzon na may 35%, Visayas na may 33% at Metro Manila na may 26%.

Isinagawa ang survey noong Hulyo 3 hanggang 6, 2020 sa pamamagitan ng mobile phone at computer-assisted telephone interviewing sa 1,555 Filipinos na may edad 18 pataas.

Facebook Comments