Mayorya ng mga kabataan sa PGH, nakarekober na mula sa COVID-19

Mayorya ng mga kabataan na nasa Philippine General Hospital (PGH) ay gumaling na sa COVID-19 matapos makaranas ng severe na epekto ng sakit.

Ayon kay PGH spokesperson Dr. Jonas Del Rosario, sa kabuuang 10 kabataan na nasa ospital, pito sa mga ito ay nakaranas ng severe infection.

Bagama’t nasa kritikal na kondisyon, tiniyak naman ni Del Rosario na karamihan sa mga ito ay nasa maayos nang kalagayan matapos magkaroon ng severe pneumonia at kailangan ng isailalim sa intubation.


Sa ngayon, nasa 265 adult patients ang nasa PGH kung saan 70% sa mga ito ay hindi pa nababakunahan.

Facebook Comments