Mayorya ng mga katolikong mananampalataya ang pabor na buksan na ang mga simbahan na nasa Modified Enchanced Community Quarantive (MECQ) at General Community Quarantine (GCQ).
Base sa online survey na “Pastoral Suggestion for the New Normal of the Church” ng RadyoVeritas.Ph, 80% ng mga katoliko ang nagsabing buksan na ang simbahan para sa religious gathering.
40% din ang nagsabing dapat ipatupad ng mga simbahan ang mahigpit na “hygiene protocols” sa mga dadalo sa mga religious gathering.
Nais naman ng 16% ng mga mananampalataya na ihatid ang iba’t-ibang pastoral services sa mga online platform ng simbahan.
Habang 3% ang mga nagsabing ibahagi ng simbahan ang holy communion sa mga designated na lugar o komunidad.
Isinagawa ang online survey noong ika-9 hanggang ika-14 ng Mayo, 2020, isang araw bago payagan ng pamahalaan ang religious gatherings sa mga lugar na nasa ilalim ng MECQ at GCQ na limitado lamang sa lima hanggang sampung indibidwal.