Mayorya ng mga mag-aaral sa pampublikong paaralan ay kaunti lamang ang natutunan sa ilalim ng distance learning bilang pag-iingat sa COVID-19.
Batay sa survey na isinagawa ng Movement for Safe, Equitable, Quality and Relevant Education (SEQuRE Educ Movement), naglalaro sa 66% hanggang 86% ang mga mag-aaral na kaunti lamang ang natutuhan sa gitna ng online classes.
Habang 74% ang nagsabing mayroon namang natutuhan ngunit hindi katulad noong normal pa ang sitwasyon.
Isinagawa ang poll sa 1,299 mag-aaral sa buong bansa kung saan karamihan ng mga sumagot ay nakakaranas ng problema sa paggamit ng computer, internet signal, pag-intindi sa aralin at iba pang kailangan sa klase.
Facebook Comments