Mayorya ng mga Pilipinas, naniniwalang mas mas malala pang darating sa COVID-19 crisis – SWS Survey

Halos mayorya ng mga Pilipino ang nangangambang may mas malala pang mangyayari sa COVID-19 crisis.

Sa survey ng Social Weather Survey (SWS), 49% ng respondents ang naniniwalang may malala pang mangyayari, tumaas pa sa 31-percent noong November 2020 survey.

Marami ang nagsabing may malala pang darating sa pandemya sa Luzon (54%), sumunod ang Metro Manila (50%), Visayas (49%), at Mindanao (38%).


Sa Mindanao naman naitala ang pinakamaraming nagsabi na nalampasan na ang pinakamalalang sitwasyon ng pandemya na may 62%, kasunod ang Visayas (51%), Metro Manila (49%), at Balance Luzon (45%).

Lumabas din sa survey na 89% ng mga Pilipino ang nag-aalala at 11% ang hindi na ang kanilang pamilya ay maaaring madapuan ng COVID-19.

Ang survey ay isinagawa mula April 28 hanggang May 2, 2021 sa 1,200 adult respondents.

Facebook Comments