Mayorya ng mga Pilipino, hindi kontento sa K to 12 program – Pulse Asia survey

Tumaas ang bilang ng mga Pilipinong hindi kontento sa K to 12 program sa bansa.

Ayon sa resulta ng pinakahuling Pulse Asia survey, lumabas na nasa 44% ng adult respondents ang hindi kontento sa naturang programa.

Mas mataas ito ng 16% kumpara sa resulta noong 2019.


Isinagawa ang survey noong Hunyo 24 hanggang 27 at may 1,200 respondents.

Ayon kay Basic Education Committee Chairman Sen. Win Gatchalian, hindi natutupad ang mga pangako ng K-12 program at naging dagdag na pasanin lamang sa mga magulang at mga mag-aaral kung kaya’t tututukan niya ang pagsusuri sa naturang programa sa Senado.

Matatandaang pinarerebisa rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., K to 12 program sa Department of Education (DepEd) para malaman ang lebel ng pagkatuto ng mga mag-aaral.

Facebook Comments