Mayorya ng mga Pilipino, mas gustong panatilihin ang 15 anyos para sa minimum age of criminal responsibility

Manila, Philippines – Mas gusto ng mayorya ng mga Pilipino na panatilihin sa kinse anyos ang minimum age of criminal responsibility, sa halip na ibababa ito sa 12 taong gulang.

Ito ang lumabas sa resulta ng survey ng Social Weather Station, sa pakikigpatulungan sa Commission on Human Rights (CHR).

Ang survey ay isinagawa sa 1,500 respondents, kung saan tinanong ang respondent kung pabor sila o hindi na ikulong ang mga menor de edad dahil sa mga krimeng nagawa tulad ng pang-aagaw ng cellphone, pagnanakaw ng pagkain, pagsisilbi bilang drug courier, pagpatay at panggagahasa.


Lumabas sa survey na ang median age o 15 years old ang naiulat na dawit sa naturang mga krimen.

Nabatid pa sa survey na sa krimen ng rape ay mayroong net agreement na +41 kung saan 63 percent rito ay pabor, 22 percent tutol at three percent ay undecided.

Sinundan naman ito ng pagpatay sa +35 kung saan 59 percent ang nag-agree, 24 percent ang disagree at four percent ang undecided.

Facebook Comments