Mayorya ng mga Pilipino, nahihirapang makapasok sa trabaho ngayong pandemya – SWS Survey

Mayorya ng mga Pilipino ang mas nahihirapan ngayon na makapasok sa trabaho kumpara noong wala pang pandemya.

Batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS), lumabas na 42% ng mga Pilipino na hindi home-based ang trabaho ang nagsabing talagang mas mahirap ngayon ang pagpasok sa trabaho; 19% ang nagsabing medyo mas mahirap ngayon; 11% ang nagsabing mas mahirap nang kaunti ngayon at 28% ang nagsabing katulad lang ito ng dati.

44% din ang nagsabing naglalakad lamang sila patungong trabaho, na karaniwang paraan ng pagtungo sa trabaho ngayong may pandemya.


Sinundan ito ng motorsiklo na may 24%, tricycle 14%, jeepney o multi-cab 8%, bisikleta 5%, bus 3%, private car 3% at motorboat o banca na 1%.

Isinagawang ang face-to-face survey noong Nobyembre 21 hanggang 25, 2020 ng nakaraang taon sa 1,500 adult respondents.

Facebook Comments