Lagpas pito sa bawat sampung Pilipino ang gustong bumiyaheng-lokal kapag tinanggal na ang restrictions bunsod ng COVID-19 pandemic.
Batay sa survey ng Department of Tourism (DOT) na pinamagatang: “Philippine Travel Survey: Insights on Filipino Travel Behavior Post-COVID-19,” 77% ng mga Pilipino ang nais mag-local travel.
Nais ng mga Pilipino na bumiyahe sa mga lugar na malapit lamang sa kanila.
Nangunguna sa listahan ng mga nais bisitahin ay ang Boracay, Siargao, at Baguio.
Lumalabas din sa survey na mahalaga pa rin sa mga respondents ang health at safety sa pagbiyahe.
Karamihan sa mga respondents ang nais ang mga aktibidad na limitado ang face-to-face interaction.
Ang top travel activities na nasa isip ng mga respondents ay magpunta sa beach (69%), road trips (54%), at staycations (41%).
Mas kakaunti ang gustong bumiyahe sa ibang bansa bunsod ng mababang kita at impact ng pandemya sa ekonomiya.
Napansin din na mayorya ng mga biyahero o 72% ng respondents ay digital na sa pagbo-book ng kanilang travel arrangements.
Nasa 88% ng mga respondents ang handang sumunod sa health and safety protocols, kabilang ang rapid COVID-19 test.
Isinagawa ang survey nitong Mayo sa 12,000 respondents sa buong bansa.
“To read the full report and survey results, click here: www.