Mayorya ng mga Pilipino, nais tumulong sa COVID-19 contact tracing – SWS survey

Handa ang mayorya ng mga Pilipino na sumunod sa COVID-19 contact tracing efforts.

Batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 97% ng adult Filipinos ay handang magpa-self quarantine sakaling nagkaroon sila ng contact sa sinuang nagpositibo sa COVID-19.

Nasa 96% naman ang nagsabing ibibigay nila ang listahan na kanilang nakasalamuhan kung sila ay nagpositibo sa sakit habang 93% ang handang magbigay ng access ng kanilang cellphone location data kung sila ay nagpositibo sa COVID-19.


Nasa 87% ang magboboluntaryong sumailalim sa lingguhang testing.

Ang survey ay isinagawa mula September 17 hanggang 20 sa 1,249 adult Filipinos.

Facebook Comments