Mayorya ng mga Pilipino, naniniwala sa one-time 6-year term limit sa pagkapangulo ng bansa ayon sa SWS survey

Mayorya ng mga Pilipino ang naniniwalang kailangang manatili ng one-time 6-year term limit para sa pangulo ng Pilipinas alinsunod sa konstitusyon.

Batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 75% ng mga adult Filipinos ang pumapabor dito, 14% ang wala pang desisyon at 11% ang hindi sumang-ayon sa single-term limit.

Isinagawa ang survey nitong June 23 hanggang 26, 2021 kung saan aabot sa 1,200 adults Filipinos ang nakibahagi.


Matatandaang batay sa 1987 Constitution, ang presidente at bise-presidente ay mayroon lang anim na taon sa kaniyang termino at hindi na pinapayagan sa re-election.

Facebook Comments